br>

El Fili

Ilan sa mga tauhan ng El Filibusterismo ay matatagpuan din sa Noli Me Tangere kagaya ni Simoun (Crisostomo Ibarra), Basilio, Padre Salvi, Donya Victorina, at marami pang iba. Halina't sama-sama nating kilalanin kung sinu-sino pa at kung ano ang katangian ng bawat isang mga tauhan sa El Filibusterismo. Dito ay mababasa ninyo ang ilan pa sa mahahalagang tauhan pati na rin ang mga tauhan na kaunti lamang ang ginampanan sa naturang nobela.













Tiburcio de Espadaña

Padre Hernando de la Sibyla Padre Bernardo Salvi Kapitan Tiyago
Simoun

     Kilala bilang Crisostomo ibarra sa Noli Me Tangere na pinaniniwalaang patay na. Siya ngayon ay isang maimpluwensyang mag-aalahas na yumaman sa ibang bansa na nagbalik sa Pilipinas. Nagtatago sa kanyang balbas at maiitim na salamin sa mata, siya ay nanunulsol sa mga may kapangyarihan upang mahikayat sila sa patuloy na pang-aabuso sa mga Pilipino upang mas simula sila ng isang pag-aaklas.

    

Basilio

     Sinunod niya ang payo ng yumaong si Elias at siya ay nag-aral sa maynila gamit ang natirang kayaman ni Crisistomo Ibarra. Kinupkop siya ni Kapitan Tiyago at nakapag-aral sa San Juan de Letran. Nag-aral rin siya sa Ateneo de Manila upang kumuha ng medisina. dito niya nakilala si Isagani at ang samahan nitong may layunin na magkaroon ng akdemyang magtuturo ng wikang Espanyol sa mga Indio.

     Magtatapos na ng pag-aaral sa medisina si Basilio nang may mataas na karangalan at magpapakasal na siya sa kanyang kasintahan si Juliana nang dumating si Simoun sa Pilipinas.

    

Isagani

     Malapit na kaibigan ni Basilio at isang manunula at nag-aaral ng abogasya sa kabila ng kahirapan. kasama ang kanyang samahan ng estudyante, walang takot siyang nagsasalita ng kanyang mga makabayang prinsipyo sa awtoridad.

     Naging kasintahan niya si Paulita Gomez.

    

Macaraig

      Mayamang estudyante na kasama ni isagani sa pamumuno sa nabigong kilusan ng samahan ng mga mag-aaral. siya ang nag alok na gawing dormitoryo ang kanilang bahay para sa mga nag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila.

    

Kabesang Tales

     Siya ay kilala rin bilang si Telesforo Juan de Dios, dating cabesa de barangay ng Sagpang, bayan ng Tiani. Ama niya si Tandang Selo at ang kaniyang mga anay ay sina Huli at Tano. Naghangad ng sariling bukid na matatamnan. Inangkin ng mga prayle ang kanyang lupang sinasaka. Naging sundalo ang kanyang anak na lalaki at ginawang alila si Huli. Sa huli ay sumapi soya sa mga tulisan. Pinatay niya ang paring umangkin sa kanyang kupang sakahan maging ang katiwala nito.

    

Padre Florentino

     Naging paring sekular na Pilipino dahil sa pamimilit ng kanyang ina kahit na mayroon siyang kasintahan. Ibinuhos niya ang kanyang panahon sa paglilingkod bilang pari nang magpakasal sa ibang lalaki ang kanyang kasintahan.Umiwas siya sa tukso na nagpatibay ng kanyang pagkatao pamamagitan ng pagtira ng mag-sa sa kanilang tahanan sa tabing-dagat. Ang kanyang pananalita sa nooý mamamatay nang si Simoun ay nagpatibay sa paninindigan ni Rizal na ang kalayaan ay dapat na makamtan hindi sa madugong pag-aaklas sa halip ay sa payapang pagbabago.

    

Don Custodio      Kilala rin bilang Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo, ang sikat na "mamamahaya" na sinagguni ng mga mag-aaral dahil sa kaniyang posisyon sa Academia de Castellano. siya ay isang ordinaryong mamamayan nakapag-asawa ng mayaman upang makasama sa mga matataas sa lipunan.

    
Jograt      Ang nawawalang kapatid ni Crisostomo Ibarra

    
Paulita Gomez      Kasintahan ni Isagani at pamangkin ni Donya Victorina. nagpakasal siya kay Juanito Pelaez dahil pinaniwalaan niyang hindi magiging maganda ang kaniyang kinabukasan kay Isagani.

    
Juli      Bunsong anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio. Kilala rin bilang Juliana de Dios. Nagpaalila kay Hermana Penchang upang matubos ang kaniyang ama sa mga bandido. Nang tangkaing halayin ni Padre Camorra ay nagpakamatay siya sa simboryo.

    
Juanito Palaez

     Asawa ni Paulita Gomez. Kabilang sa mga kapita-pitagang angkan ng  mga Espanyol at paboritong mag-aaral ng mga propesor.

    

Donya Victorina      Siya ay kilala rin bilang Victorina delos Reyes de Espadaña, ang malupit na asawa ni Don Tiburcio de Espadaña sa Noli Me Tangere. Itinuturing ang kaniyang sarili bilang dayuhan mula sa isang kilalang bansa pero sa katutuhanan ay isang Indio. Tiyahin ni Paulita Gomez.

    
Padre Camorra      Kura Paroko ng Tiani, kalapit na bayan ng San Diego. May Malaswang hilig sa mga kabataang babae. Muntik ng halayin si Huli kung hindi ito nagpakamatay sa simboryo.

    
Ben-Zayh      Ang alyas ni Abraham Ibañez(binuo mula sa mga letra ng kaniyang apilyedo). Mamamahayag na naniniwalang "siya lamang" ang tanging nag-iisip sa Pilipinas.

    
Placido Penitente

     Mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na pinilit ng kaniyang ina na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Matalinong mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral dahilsa mga problemang pampaaralan. Lagi siyang nagpipigil ng galit sa kaniyang guro sa pisika na si Padre Millon dahil sa maikling niyang pasensya.

    

Tiburcio de
 Espadaña
     Asawa ni Donya Victorina na pilay at nagkukunwaring doktor.

    
Hermana
Penchang
     Sa kaniya nanilbihan si Huli upang makaipon ng pantubos kay Kabesang Tales. Ipinalalagay ang sarili bilang kaalyado ng mga Prayle. 

     
Padre Irene     

     Ang tanging saksi ng kamatayan ni Kapitan Tiyago at ang tagapayong espiritwal nito. Siya ang dahilan kaya walang minana si Basilio kay Kapitan Tiyago

     
Quiroga     

     Isang mangangalakal na Tsino. Siya rin ang nagtatago ng mga sandata ni Simoun sa kanyang bahay.

     

Don Timoteo
Palaez
     Mayamang mangangalakal na ama ni Juanito at naging kasosyo ni Simoun.  

    
Tandang Selo      Nag-aalaga ng mga sugatan at may sakit, kabilang na si Basilio sa Noli Me tangere nang tugisin siya ng mga guwardiya sibil. Siya rin ang Ama ni Kabesang Tales. 

    
Padre Fernandez      Kaibigan ni Isagani na isang pari na tutulong sa mga mag-aaral. 

    
Sandoval      Kanang kamay ni Macaraig at kamag-aral ni Isagani. 

    
Hermana Bali        Sugarol na tumulong kay  Kabesang Tales upang makalaya. Kinikilala ring ina-inahan ni Huli.    

    
Padre Millon

      Guro sa pisika na nang-iinsulto kay Placido penitente sa klase.

    

Tadeo      Kamag-aral ni Macaraig na pinaghihinalaang nagpaskil ng sulat na nagpapasalamat kila Don Custodio at Padre Irene sa pagbubukas ng Academia de Castellno.

    
 
Leeds      Isang amerikanong nagpapalabas ng pugot na ulo sa kanyang dulang pantanghalan na kaibigan ni Simoun. 

    
Tano      Guwardiya Sibil na anak ni Kabesang Tales.

    
Pepay     

      Isang mananayaw na pinaghihinalaan na matalik na kaibigan ni Don Custodio.

    

 
Gobernador
Heneral

      May pinakamataas na tungkulin na opisyal noong panahon ng espanyol.

    

Padre Hernando
 de la Sibyla
    

     Ikalawang punong namamahala sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isa ring Prayleng Domikano.

    

 
Pecson        Inosenteng mag-aaral na nais magkaroon ng pagdiriwang sa panciteria.

    
Padre Bernardo Salvi      Paring direktor sa kumbento ng Santa Clara na noo'y kura paroko ng San Diego. 

    
Kapitan Tiyago      Ama-amahan ni Maria Clara na kumupkop kay Basilio. Siya ay may problema sa kalusugan dahil sa patuloy na paggamit ng apyan. Siya ay namatay dahil sa pananakot ni Padre Irene patungkol sa pag-aaklas ng mga Pilipino.